BUMABA ang halaga ng piso kontra sa dolyar, araw ng Lunes, Marso 23.
Nagsara sa P51.33 ang halaga ng dolyar sa bansa dahil na rin sa mga pangamba sa magiging epekto sa ekonomiya ng krisis na dala ng coro-navirusdisease o COVID-19.petrolyo
Ito na ang pinakamababang naging halaga ng piso kontra sa dolyar sa loob ng limang buwan.
Nitong Biyernes, Marso 20 ay nagsara sa P50.97 ang halaga ng dolyar sa bansa.
Inasahan pa na makakabawi ang piso ngayong linggo dahil napaulat ang panibagong pagbaba ng presyo ng mga produk-tong petrolyo.
Comments are closed.