PATULOY na lalakas ang Philippine peso laban sa US dollar sa paghina ng green money matapos na magkaroon ng extension at paghupa ng labanan sa pagitan ng US at China.
Mas malakas ang piso ng 4.5 sentimo sa pagsasara ng P52.025:$1 laban sa Biyernes trading na P52.065:$1.
“The stronger peso today is partly brought about by weaker US dollar vs. major global/ Asian currencies after US President Trump signaled will-ingness to extend the US-China trade truce beyond the March 1, 2019 deadline,” lahad ni Michael Ricafort, lead economist at the Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC), sa isang text message.
Ayon sa report ng Reuters, ang postponement ng tariff deadline ay nakita na maliwanag na senyales na ang dalawang bansa ay magsasara sa isang pagkakasundo.
Ito ay nagdulot ng magandang pananaw, na mas lalong nakapagpalakas ng sumisibol na merkado sa Filipinas.
“This improves sentiment on global trade especially on emerging markets,” sabi ni Ricafort.
Comments are closed.