SUMADSAD ang Philippine peso laban sa dolyar sa ikatlong sunod na trading day kahapon kung saan nagsara ito sa pinakamababang antas sa loob ng halos 13 taon.
Ang piso ay bumaba ng 2.5 centavos upang magsara sa P53.80:$1 mula sa P53.55 noong Miyerkoles, ang pinakamahina nito sa loob ng halos 13 taon magmula nang magsara sa P53.985:$1 noong Disyembre 7, 2005.
“Today’s sharp depreciation of the peso was still attributable to the stronger-than-expected local inflation report yesterday,” wika ni Guian Angelo Dumalagan, economist sa Land Bank of the Philippines.
Ang inflation noong Agosto ay pumalo sa 6.4 percent, ang pinakamabilis sa loob ng mahigit siyam na taon magmula nang maitala ang 6.6 percent noong Marso 2009.
Sinabi ni Dumalagan na ang exchange rate ay naimpluwensiyahan din ng mga alalahanin hinggil sa ‘uncertainties’ sa global trade.
“On the global front, lingering trade uncertainties concerning the US, Canada and China as well as emerging markets’ anxieties drove strong demand for the dollar,” aniya.
Comments are closed.