PISO VS DOLYAR LUMAKAS

LUMAKAS pa ang Philippine peso laban sa US dollar kahapon sa likod ng desisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itaas ang key policy rates.

Ang local currency ay tumaas ng 18 centavos upang magsara sa  P53.28:$1 mula sa 53.46 noong Huwebes.

“The US dollar/peso rate closed at 53.28 versus yesterday’s 53.46 after the latest +0.25 hike in the key policy rates on June 20 and the possibility of further policy rate hikes, going forward, in an effort to curb inflation,” wika ni RCBC head of economics Michael Ricafort.

Noong Miyerkoles ay nagpasiya ang BSP na mu­ling itaas ang key policy rates ng 25 basis points sa harap ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin.

Ang overnight borro­wing rate ng BSP ay itinaas sa 3.50 percent, ang overnight lending rate sa 4.00 percent, at ang overnight deposit rate sa 3.00 percent.

“Positively … policy rate hikes may also be used as a tool to curb volatility in peso exchange rate as seen over the past decades and economic cycles,” ani Ricafort.

“It is also used to curb any existing inflationary pressures as well as inflation expectations.”

Ang hakbang ng central bank ay nag-udyok din ng posibilidad ng pagtaas pa ng rate ngayong taon.

“Two successive policy rate hikes could signal that further rate hikes remain possible or at least cannot be ruled out in the coming months, thereby supporting the peso with higher inte­rest rate returns on peso-denominated deposits and fixed income investments,” paliwanag ni Ricafort.

Comments are closed.