LUMAKAS ang Philippine peso laban sa dolyar sa harap ng nagtatagal na trade war sa pagitan ng Estados Unidos at China.
Ang local currency ay tumaas ng 1.5 centavos upang magsara sa P53.465:$1 mula sa 53.480 noong Huwebes.
“The peso was stronger today after the lack of breakthrough in the trade talks between China and US, resulting in the latest decline in the US dollar versus major global currencies,” pahayag ni RCBC head of economics division Michael Ricafort.
Sa kabila ng isinasagawang pag-uusap, ang US at China ay nagpataw ng taripa sa $16 bilyong halaga ng kani-kanilang produkto.
“The latest decline in US dollar is amid the expanded trade war between US and China despite recent trade talks,” ani Ricafort.
Week-on-week, ang local unit ay humina ng 4 centavos mula sa P53.425:$1 noong Agosto 17.
Ang piso ay humina ng P3.655 mula sa 49.810 noong Enero 3, ang unang trading day ng 2018.
Comments are closed.