TUMATAG ang Philippine peso laban sa dolyar sa likod ng commercial demand para sa local currency matapos ang five-day weekend.
Ang piso ay lumakas ng 19.5 centavos upang magsara sa P52.665:$1 laban sa P52.860:$1 noong Biyernes, Disyembre 21.
Ang financial markets ay sarado noong Disyembre 24 at 25 para sa Christmas break, habang ang mga tanggapan ng gobyerno ay walang pasok noong Miyerkoles, Disyembre 26.
Pinuna ni Michael Ricafort, lead economist sa Rizal Commercial Banking Corp., ang malaking pangangailangan para sa piso.
“The peso strengthened today… amid accumulated supply of US dollars converted for Yuletide holiday-related spending, with the previous and upcoming long holiday weekends,” ani Ricafort.
Ang mga araw ng Lunes, Disyembre 31, at Martes, Enero 1, ay kapwa national holidays, habang ang mga tanggapan ng pamahalaan ay sarado sa Miyerkoles, Enero 2.
Ayon kay Ricafort, ang government shutdown sa Estados Unidos kamakailan ay nagpahina rin sa dolyar.
“US dollar recently weaker vs. major global currencies including the peso after partial US government shutdown has continued since December 21, 2018,” aniya.
Comments are closed.