PISO VS DOLYAR LUMAKAS SA US-CHINA TRADE WAR ‘TRUCE’

PESO VS DOLLAR-3

TUMATAG ang Philippine peso laban sa dolyar sa likod ng positibong damdamin sa pagkalma ng trade war sa pagitan ng China at ng Estados Unidos.

Ang local currency ay umangat ng 13 centavos upang magsara sa P52.32:$1 mula sa 52.45 noong Huwebes, ­Nobyembre 29.

Ang financial markets ay sarado noong ­Nobyembre para sa paggunita sa ika-155 kaarawan ni Andres Bonifacio.

“The peso appreciated today as global risk-on sentiment prevailed in the market amid the trade war truce between US and China after the two major economies agreed to halt any new tariffs for 90 days,” wika ni Land Bank of the Philippines market economist Guian Angelo Dumalagan.

Ang China at Amerika ay nagkasundo na suspendihin ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa isang kasunduan na nagpahupa sa kanilang umiinit na trade war.

“The peso was also boosted by positive perception regarding the November inflation rate,” sabi naman ni Union Bank chief economist Ruben Carlo Asuncion.

Sa pagtaya ng Department of Finance (DOF), ang inflation rate ay babagal sa 6.3 percent sa Nobyembre mula sa 6.7 percent noong Oktubre sa likod ng pagbaba ng presyo ng food commodities, partikular ang bigas at gulay.

“We expect that it will go down [for November]…So the year on year will be around 6.2 percent from the 6.7 percent right now. Prices on average are almost not moving,” wika ni Finance Undersecretary Gil S. Beltran.

Nakatakdang ipalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang inflation numbers sa Disyembre 5.

Comments are closed.