PISO VS DOLYAR MANANATILING MALAKAS NGAYONG TAON — ECONOMIST

PISO-DOLLAR-3

MAY dalawang buwan nang nananatili sa 48-level ang halaga ng piso kontra US dollar at inaasahang pipirmi ito sa pagitan ng 48.00 at 49.00 ngayong taon.

“It remains to be among the strongest currency in the region to date as it continues to trade on its strongest in more than four years,” wika ni Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort.

“Relatively slower pick up/recovery in imports that results to narrower trade deficits of about USD1 billion-USD2 billion per month since the Covid-19 pandemic could still lead to relatively stronger peso exchange rate,” sabi pa niya sa Philippine News Agency.

Ang piso ay nagsara noong 2020 sa 48.023, mas mataas ng 5.2 percent kontra US dollar.

Ayon kay Ricafort, ang banta ng bagong COVID-19 variants ang dahilan ng paghina ng greenback sa buong mundo.

Aniya, inaasahan ang lalo pang paglakas ng piso dahil sa nasa oras na pag-apruba sa national budget ngayong taon, sa one-year extension sa paggamit ng nalalabing 2020 national budget, sa six-month extension ng Bayanihan 2 Law appropriation sa end-June 2021, gayundin ang pag-usad ng ilang nakabimbing bills sa Kongreso tulad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act at ng Financial Institutions Strategic Transfer (FIST) bill.

May positibo ring epekto ang pagdating at deployment ng mga bakuna kontra COVID-19,  pagbaba ng local COVID-19 cases, at pagbubukas pa ng domestic economy, lalo na sa National Capital Region (NCR).

“Next important support for the US dollar/peso exchange rate is at the 47.80-47.90 range, which serves as an important gateway prior to further peso appreciation in the coming weeks/months,” aniya.

Comments are closed.