BAHAGYANG nakabawi ang Philippine peso laban sa dolyar dahil sa paghina ng US inflation rate at sa agresibong pahayag mula sa European Central Bank (ECB).
Ang local currency ay lumakas ng 10 centavos upang magsara sa P53.97:$1 mula sa 54.07 noong Huwebes.
“The peso gained slightly due to the weaker than expected US inflation report last night,” wika ni Land Bank of the Philippines market economist Guian Angelo Dumalagan.
“US consumer prices rose slower than expected in August with underlying inflation pressures also appeared to be slowing, suggesting the Federal Reserve’s pace of rate hikes could slow.”
Humila rin sa greenback ang agresibong komento mula kay ECB president Mario Draghi na nakapokus sa healthy domestic fundamentals, kabilang ang mabilis na pagtaas ng employment at sahod.
“Historically, hawkish ECB comments tend to depreciate the dollar against the euro. This weakness spills over to emerging market currencies such as the peso,” ani Dumalagan.
Week-on-week, ang local unit ay humina ng 24 centavos mula sa P53.73:$1 noong Setyembre 7. Ang halaga ng piso ay bumaba ng P4.16 mula sa 49.810 noong Enero 3, ang unang araw ng trading para sa 2018.
Comments are closed.