TUMATAG ang Philippine peso laban sa US dollar kung saan ikinatuwa ng mga investor ang pahiwatig ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maghihigpit pa ito sa polisiya sa susunod na buwan.
Ang local currency ay lumakas ng 15 centavos upang magsara sa P53.285:$1 mula sa 53.435 noong Huwebes.
“The US dollar closed lower amid stronger signals of further hikes in local policy rates on August 9 and in the coming months, thereby supporting the peso,” wika ni RCBC head of economics division Michael Ricafort.
Nauna nang sinabi ni BSP Governor Nestor Espenilla na kinokonsidera ng policy-setting Monetary Board ang ‘strong monetary action’ sa policy meeting sa Agosto, sa harap ng pagsipa ng inflation.
Ang Monetary Board ay nagpatupad ng back-to-back rate hikes sa mga pagpupulong nito noong Mayo at Hunyo, kung saan inaasahang mananatiling mataas ang inflation ngayong taon.
Noong Hunyo ay nagpasiya ang BSP na muling itaas ang key policy rates ng 25 basis points sa harap ng patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin.
Ang overnight borrowing rate ng BSP ay itinaas sa 3.50 percent, ang overnight lending rate sa 4 percent, at ang overnight deposit rate sa 3 percent.
“Hawkish bets of another BSP rate hike supported the peso,” wika ni Land Bank of the Philippines market economist Guian Angelo Dumalagan.
Week-on-week, ang local unit ay lumakas ng 22.5 centavos mula sa P53.51:$1 noong Hulyo 20. Ang piso ay humina sa P3.475 mula sa 49.810:$1 noong Enero 3, ang unang araw ng trading para sa 2018.
Comments are closed.