PISONG DAGDAG PASAHE

PISO-JEEP

HUMIHIRIT ang iba’t ibang transport groups ng P1 provisional fare increase habang hindi pa nadedesisyunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang petisyon sa taas-pasahe.

Kabilang sa mga grupong humihiling ng pansamantalang dagdag-pasahe ang Alliance of Concerned Transport Organization (Acto), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP) at Pasang Masda.

Ang petisyon para sa P2 fare hike na inihain ng mga transport group noong ­Setyembre ay dininig pero hindi pa nadesisyunan ng LTFRB kahapon.

Napag-alaman na aabutin ng isa hanggang dalawang linggo para mapag-usapan ng mga opisyal ng LTFRB ang hirit na provisional fare hike habang 20 araw naman para sa orihinal nilang petisyon na P2 taas-pasahe.

Humarap sa pagdinig ang grupo ng mga airport taxi operator ng Cebu para idepensa ang hiling nilang fare hike.

Hindi pa naglabas ng desisyon ang LTFRB dahil kailangan pa umano nilang balansehin ang sitwasyon kung saan hindi malulugi ang mga operator at hindi rin mabibigatan ang mga pasahero sa dagdag-pasahe.

Comments are closed.