PISTA NG ITIM NA NAZARENO TAGUMPAY

BAGAMAN laging pinupuna ang pamamaraan ng mga deboto na makalapit sa Itim na Nazareno, masasabing matagumpay ito dahil mapayapa at walang nasawi hindi katulad noong mga nakalipas na taon.

Mula alas-4:40 ng madaling araw nitong Enero 9, nakapasok sa Quiapo Church ang imahen ng Itim na Nazareno ala-1:25 ng madaling araw nitong Biyernes.

Normal na nakaramdam ng pagod at pananakit ng katawan ang mga dumalo subalit ang mapalapit sa imahen ay masasabing “worth the wait”.

Pinuri naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng Traslacion 2025.

Sa datos, umani ito ng humi­git-kumulang 7.4 milyong deboto sa Maynila.

Ang kaganapan, isang malalim na pagpapahayag ng pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino, ay natapos nang walang anumang malalaking hin­di kanais-nais na insidente, dahil sa walang sawang pagsisikap at sakripisyo ng puwersa ng pulisya.

Ang PNP, katuwang ang iba pang uniformed services at local government units, ay nagpakalat ng 14,474 na tauhan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga deboto.

Ang Philippine Red Cross ay nag-ulat lamang ng 1,300  minor injuries, na nagpapakita ng pangkalahatang mapayapang  kaganapan.