PISTA NG KALIKASAN SA PALAWAN

Ang Pista ng Kalikasan sa Palawan ay isang buong taong provincial movement na dinesenyo upang mapag-isa ang commitment ng mga tao sa terrestrial and marine resources ng Palawan. Kasama dito ang mga programang tulad ng Pista ng Karagatan, Pista ng Kagubatan, Clean and Green, symposia at training sa environment, agricultural technology, waste management, land and water use. Meron ding cooperative movements, agro-eco fair, health festivals at plant shows.

Sa pakikipag-ugnayan at pamumuno ng provincial government, bawat munisipalidad ay nagde-develop at nagpapatupad ng programa upang mapalakas ang sustainable development approaches, lalo na ang participatory at community-based management ng resources ng komunidad.

Bawat taon, sisimulan sa June 19 ang sunud-sunod na community programs na may kinalaman sa reforestation at livelihood. Tampok na aktibidad ang apat na buwang pagtatanim ng mga puno, mangrove species, mga halamang namumulaklak at mga halamang gamot sa iba’t ibang panig ng Palawan.

Noong 1996, ang target nila ay makapagtanim ng isang milyong puno bawat taon, at noong 1998, mahigit tatloong milyong puno ang naitanim nila sa buong probinsya.

Ang badyet lamang nila sa pagbili ng seedling bags, propagules at iba pang gastusin sa pagmomonitor ng kanilang itinanim ay Php 200,000, pero nataniman nila ay umabot sa 2,000 hectares at nakinabang dito ang 120,000 na Palaweños.

Nagkakaisa kasi ang buong komunidad sa environmental education at policy advocacy kaya walang nasasayang.

Actually, may tinatawag sa Palawan na “green vote” kung saan hindi na nahalal ang apat na ma­yor na pumayag sa illegal fishing.

Makikita ang mga punong namumunga at mga flower gardens sa halos lahat ng kabahayan. Napakarami ring nahuhuli sa karagatan, at masagana ang ani sa mga bukirin dahil hindi sila binabaha.

Makikita rin sa Palawan ang halos extinct na mga insekto tulad ng paru-paro, tutubi at alitaptap.

Kahit pa sa kainitan ng tag-araw, maa­yos pa rin ang hangin at hindi talaga napakainit.

Kaya nga, ang Pista ng Kalikasan ay lalo pang nagpapalawak ng consciousness ng mga tao sa sustainable development. KAYE NEBRE MARTIN