PISTA NG NUESTRA SEÑORA DE PEÑAFRANCIA ‘DI NAPIGIL NG BAGYO

NUESTRA SEÑORA DE PEÑAFRANCIA

CAMARINES SUR- BAGAMAN naging masungit ang panahon, tuloy ang selebrasyon ng Bicolano sa  pista ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

Sinabi ni Ens. Bernardo Pagador Jr., station commander ng Philippine Coast Guard – Camarines Sur, na kasado pa rin ang fluvial procession kung saan dadaan sa Naga river ang imahe ng El Divino Rostro at Inang Peñafrancia pabalik sa Basilica Minore.

Aniya,  nakapaghanda na ang kanilang hanay lalo na’t tumaas ang water level sa naturang ilog, gayundin na lumakas ang agos doon.

Positibo ang mga residente roon para sa kaligtasan ng mga deboto dahil sa mga naka-deploy na floating assets ng kanilang tanggapan, pati ang mula sa PNP Maritime Group, Philippine Navy at ilan pang force multipliers.

Batay sa tala, aabot sa 160 na bangka ang nakatakdang humila sa pagoda habang nasa 4,000 voyagers naman ang inaasahang magsasagwan.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.