PISTA NG STO. NINO, SINULOG AT ATI-ATIHAN GENERALLY PEACEFUL

IKINAGALAK ng Philippine National Police (PNP) na naging matagumpay dahil payapa at walang anumang untoward incidents ang naganap sa tatlong magkakahiwalay na selebrasyon para sa Pista ng Sto. Nino ng Simbahang Katoliko.

Ang mga ito ay Sinulog sa Cebu, Ati-Atihan Festival sa Kalibo, Aklan at Lakbayaw sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang tagumpay ng Catholic gathering ay mayroong collaboration sa local government unit habang katunayan ito na alerto ang mga pulis kapag mayroong mga aktibidad na daragsain ng mga tao.

“I am pleased to announce that our security assessments yielded positive outcomes. These events were generally peaceful with no major incidents reported throughout the duration of the festivities,” ayon kay Acorda.

Pinuri rin ng PNP chief ang ugnayan ng mga pulis at local government units kaya maging maayos at tahimik ang magkakahiwalay na okasyon.

“The collaborative efforts of our law enforcement units, local government units and the community have proven instrumental in ensuring safety and security of our devotee,” dagdag pa ni Acorda.

Pinasalamatan din ng PNP chief ang lahat ng mga pulis na idineploy sa mga lugar na mayroong selebrasyon na napanatili ang kapayapaan.
EUNICE CELARIO