PISTAHAN SA MEGA 5-C0CK DERBY DAY-2 NA

PANIBAGONG grupo ng mga mananabong ang maghaharap ngayong araw, Abril 25, sa Roligon Mega Cockpit sa ikalawang eliminasyon para sa ginaganap na “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” tampok ang 70 sultada na mag-uumpisa sa alas-4 ng hapon.

Inaasahang mauulit ang masayang tapatan noong nakaraang Huwebes, sa muling pagdagsa ng mga apisyonado na nagpapasalamat sa open gate kung saan hindi na kailangang magbayad ng ticket para makapasok at makapanood.

13 entries ang namayani noong Abri 21 na kinabibilangan ng Nevada Creek (Noel), RDA (Pepito Peter Luna), Super Moon Sa Mega May 14 & Super Moon & Daniel Sa Mega May 14 (Allan & Daniel), Datu Marikudo 1 & Datu Marikudo 2 (Nico Fuentes), C-Jay Smiley (Smile), RBB June 19 II (R. B. B. / Buboy Liit), ATS GF 2 (Boss Marvin), Tatat (Ken Cantero), Batang Victoria GF (Alvin Lirio), SCAT JM GF May 28 2-Cock Cav.Col. 3 (Maruel  Terrobias) at Kyla ni RBB & Buboy Jamola na siyang nakahagip ng fastest-win-on-the-second-fight prize na isang 32 inch TV at P10k halagan ng vetmed products mula sa Thunderbird.

Maghaharap ngayon sina Mike Mangana, James Jamul, Ramon Josue, Ferdie Frigillana, Roman Empire-1 , Moly Bautista, Mariel Sevilla, Peter Lui, Engr. Milo.  Arvin Atienza, Jerome Laranang/Bong Laranang, Bongbong, RTGG Timbayog at iba pa.

Magpapatuloy ang mga eliminasyon sa Roligon sa Abril 28,  Mayo 2, 5, 12, 16 & 19 kung saan may nakatayang P100,000 para sa Day Champion sa bawat araw at isang 32 inch TV at P10,000 halafa ng Thunderbird Vetmed products para sa makaka-fastest win sa ikalawang laban.

Sa kahilingan na rin ng mga suki ng Roligon sa buong bansa, at sa pakikipagtulungan ng ilang mahuhusay at pinagkakatiwalang provincial derby hosts ay may nakalinya rin na eliminasyon sa Abril 23 sa MRCI Cockpit, Zamboanga City (Bobby Fernandez & Manny Dalipe), Abril 27 sa Asin East Cockpit, Ma;asiqui, Pangasinan (Osmundo Lambino), Abril  30 sa Tiwi Cockpit Arena, Tigpi, Tiwi, Albay (Ian Almonte/Ambet Peña), Mayo 6 sa Lipa City (Fred Katigbak), Mayo 14sa Tiwi Cockpit Arena at Mayo 16 muli sa Lipa City.

Handog ni Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird – the winning formula bilang natatanging sponsor — P3 milyon ang garantisadong premyo ng “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay parehong P4,400 lamang. P1.7-M ang championship prize.

Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maaaring tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa 0991-3834661; Shirley sa 0920-9509090 o Tiling sa 0926-7134069.  Maaari ring magpalista sa Messenger ng Roligon Mega Cockpit FB page. EDWIN ROLLON