PISTON NAGBANTA NG KILOS PROTESTA PARA ITAAS ANG PASAHE

ISABELA

ISABELA – DAHIL hindi inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na taas pasahe ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nation-wide (PISTON), nagkaisa ang kasapi nito na mag-kilos protesta.

Ayon kay Rolando Sa­yago, pangulo ng PISTON-Isabela dahil sa umanoy sunod-sunod na pag-taas sa presyo ng produktong pet­rolyo ay kailangan na rin na aprubahan ang kanilang kahilingan.

Inihayag pa ni Sayago na wala pang nagtataas ng pasahe ng PUJ Isabela at Cagayan dahil hinihintay pa ang abiso mula sa LTFRB. IRENE GONZALES

Comments are closed.