NAGBUHOS si Christian Wood ng 22 points mula sa bench, tumipa si Tim Frazier ng 17 points at 6 assists, at pinutol ng host Detroit Pistons ang five-game losing streak nang bombahin ang Washington Wizards, 132-102, noong Huwebes.
Nag-ambag si Derrick Rose ng 15 points at 6 assists, nagtala si Blake Griffin ng 14 points at 11 rebounds, at nakakolekta si Andre Drummond ng 14 points at 10 rebounds para sa Pistons.
Nagdagdag sina Bruce Brown at Svi Mykhailiuk ng tig-12 points at gumawa si Tony Snell ng 10.
Bumuslo ang Pistons ng 53.5 percent mula sa field.
Nanguna si Anzejs Pasecniks para sa Wizards na may 17 points habang tumirada sina Bradley Beal at Jordan McRae ng tig-15 points. Nag-ambag si Troy Brown, Jr. ng 13 points, at tumabo si Gary Payton II ng 10 points.
Nalimitahan ang Wizards sa 41.3 percent shooting.
MAVERICKS 102, SPURS 98
Kumana si Luka Doncic ng 24 points, kumalawit ng 10 rebounds at nagbigay ng 8 assists sa kanyang pagbabalik sa lineup makaraang lumiban ng apat na laro upang tulungan ang Dallas Mavericks na gapiin ang bumibisitang San Antonio Spurs.
Abante ang Dallas ng limang puntos papasok sa fourth quarter at ng tatlong puntos lamang, 82-79, matapos ang layup ni Spurs’ Patty Mills, may 10:11 sa orasan. Gayunman ay nag-init ang Mavericks. Kumana si Kristaps Porzingis ng magkasunod na 3-pointers, at kalaunan ay bumanat ang Dallas ng 14-2 run, tampok ang dalawang treys ni Dorian Finney-Smith at tig-isa nina Delon Wright at Jalen Brunson, na nagpalobo sa kala-mangan sa 17 points.
Naiposte ng Spurs ang huling 13 points sa laro, subalit hindi sila nakahabol at nalasap ang ikalawang kabiguan laban sa Lone Star State rivals ngayong season.
Nanguna si Doncic para sa Mavericks na may 13 first-half points. Tumapos si Tim Hardaway Jr. na may 17 points para sa Dallas, na nanalo ng siyam sa nakalipas na 13 laro. Nakakuha ang San Antonio ng 21 points mula kay DeMar DeRozan at 18 kay Rudy Gay.
KNICKS 94, NETS 82
Umiskor si Julius Randle ng 33 points at kumawala ang New York sa second half upang igupo ang host Brooklyn.
Pinutol ng Knicks ang four-game losing streak sa Nets at umangat sa 4-6 sa ilalim ni interim coach Mike Miller sa larong umabante sila ng hanggang 23 points.
Tumipa si Spencer Dinwiddie ng 25 points, subalit bumagsak ang Nets sa 12-7 na wala si Kyrie Irving (right shoulder impingement). Si Dinwiddie ay 5 of 15 mula sa floor habang bumuslo ang Nets ng 26.9 percent at sumablay ng 37 sa 50 3-point attempts, habang wala nang iba pang Brooklyn player na umiskor ng double figures.
GRIZZLIES 110, THUNDER 97
Nagtuwang sina frontcourt mates Jaren Jackson Jr. at Jonas Valanciunas ng 41 points, at nagdagdag ang Memphis bench ng 46 nang padapain ng bumibisitang Grizzlies ang Oklahoma City Thunder.
Napanatli ni Jackson ang kanyang mainit na mga kamay at nagposte ng 20 points para sa kanyang 13th 20-plus-point outing sa season.
Naitala ni Valanciunas ang 11 sa kanyang team-high 21 points sa fourth quarter, kabilng ang tatlong sunod na buckets sa isang stretch na nagpalobo sa kalamangan ng Memphis sa 20 points mula sa 12.
Nanguna si Tyus Jones para Memphis bench sa pagkamada ng 15 points, kabilang ang i3-of-4 shooting sa 3-point. area.
Nagdagdag si Brandon Clarke ng 13 points, gumawa si De’Anthony Melton ng 9 points, 8 rebounds at 4 assists, at nabigay si Kyle Anderson ng 7 assists sa loob lamang ng 12 minuto.