SINANDIGAN ni Killian Hayes ang Detroit Pistons sa kapana-panabik na 131-125 overtime victory laban kay Luka Doncic at sa Dallas Mavericks noong Huwebes.
Isinalpak ni Hayes ang back-to-back three-pointers, mahigit isang minuto ang nalalabi sa overtime upang ibigay sa Detroit ang panalo sa makapigil-hiningang pagtatapos sa Little Caesars Arena ng Pistons.
Ipinasok ni Hayes, tinapos ang laro na may 22 points, 4 rebounds at 8 assists, ang isang 27-foot three-pointer, mahigit isang minuto ang nalalabi upang bigyan ang Detroit ng 128-125 kalamangan.
Pagkatapos ay isinalpak ng 21-year-old ang isang superb stepback triple upang selyuhan ang panalo para sa struggling Pistons, na umangat sa 6-18.
“Seeing the first one go in felt good … just felt ready to shoot another, and we got the W (win)” sabi ni Hayes patungkol sa kanyang overtime heroics. “Just feels good to get the win.”
“We didn’t fold. Overtime, we played strong, played our defense and hit shots. We deserved that one.”
Sa panalo ay pinutol ng Detroit ang three-game losing streak, subalit nanatili ang Pistons malapit sa ilalim ng Eastern Conference, angat lamang sa Orlando Magic.