NAGBUHOS si Blake Griffin ng 27 points at 7 rebounds at naibulso ng streaking Detroit Pistons ang huling 10 points ng overtime upang pataubin ang bumibisitang Toronto Raptors, 112-107, noong Linggo ng gabi.
Tumipa sina Luke Kennard at Reggie Jackson ng tig-19 points para sa Detroit, na nagwagi ng siyam sa kanilang huling 11 upang sumampa sa 500 mark.
Kumamada si Andre Drummond ng 15 points at 17 rebounds sa kabila ng foul trouble. Nagdagdag si Wayne Ellington ng 11 points para sa Detroit, na tinalo ang dating koponan ni coach Dwane Casey sa ikalawang pagkakataon ngayong season.
Nanguna si Kyle Lowry para sa Raptors na may 35 points, 7 rebounds at 5 assists. Nagposte si Pascal Siakam ng 21 points, 9 rebounds at 5 assists, habang nag-ambag sina OG Anunoby at Marc Gasol ng tig-13 points.
THUNDER 99, GRIZZLIES 95
Umiskor si Russell Westbrook ng 22 points, kabilang ang dalawang big shots sa closing stretch upang pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa panalo laban sa Memphis Grizzlies.
Ang panalo ay pumutol sa four-game losing streak ng Thunder, ang una ng koponan matapos ang 0-4 simula sa season, at nanatili silang tabla sa Portland para sa third place sa Western Conference makaraang manalo ang Trail Blazers sa Charlotte.
Nalasap ng Grizzlies ang ika-6 na talo sa huling walong laro.
WIZARDS 135, WOLVES 121
Tumirada si Bobby Portis ng 26 points at 12 rebounds, habang nagdagdag si Bradley Beal ng 22 points upang tulungan ang host Washington Wizards na mamayani sa Minnesota Timberwolves.
Gumawa si reserve Jabari Parker ng 22 points para sa Washington.
Nanguna si Karl-Anthony Towns para sa Timberwolves na may 28 points, 10 rebounds at 7 assists, ang kanyang unang sub-30 point effort sa apat na laro.
Umiskor si Derrick Rose ng 18 points mula sa bench para sa Timberwolves, na natalo ng apat sa lima. Tumipa sina Taj Gibson at Andrew Wiggins ng tig-14 points.
CAVALIERS 107, MAGIC 93
Kumana si Jordan Clarkson ng 18 points mula sa bench upang pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa panalo kontra bumibisitang Orlando Magic.
Gumawa si Collin Sexton ng 17 points sa 6-for-11 shooting. Nagposte si Kevin Love ng double-double na may 16 points at 14 rebounds, at tumapos si Cedi Osman na may 14 points at 6 boards.
Nagwagi ang Cleveland sa ika-4 na pagkakataon sa nakalipas na anim na laro.
Pinangunahan ni Magic big man Nikola Vucevic ang lahat ng scorers na may 28 points sa 13-for-16 shooting. Humugot siya ng 13 rebounds at nagbigay ng anim na assists.
Comments are closed.