NAG-DONATE na naman ang Pitmaster Foundation ang P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local government units sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Atty. Caroline Cruz, Executive Director ng Pitmaster Foundation, “Ito ay ilan lamang sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng Foundation upang maiwasan ang COVID-19 lockdown, matulungan ang health workers, at maprotektahan ang maliliit na negosyo.”
Sinabi ni Cruz, ang direktiba sa kanila ng kanilang Chairman na si Charlie “Atong” Ang ay tulungan ang mga LGU sa NCR sa laban nila sa COVID-19 at suportahan ang COVID-19 Response Program ng pamahalaan.
Ayon pa kay Atty.Cruz, ang mga alkalde ang nag-request ng naturang home care kits para magamit ng kanilang mga constituent.
Laman ng bawat home care kits ay lagundi herbal medicine, vitamin C plus Zinc, Lola Remedios syrup, digital thermometer, facemask, paracetamol, Bactidol, alcohol, at pamphlet tungkol sa pag-iwas sa virus na COVID-19.
Nangako naman ang mga alkalde na kaagad ipamamahagi ang mga kit sa kanilang constituents.
Mula nang itatag ang Pitmaster Foundation ay hindi na tumigil sa pagtulong, pagbibigay ng ayuda o suporta sa bawat kapus-palad na kababayan at sa pamahalaan.
Nauna nang namahagi ng P50 million cash at P50 million antigen test kits ang Pitmaster Foundation sa mga mayor noong nakaraang linggo para sa anti-Covid drive ng gobyerno.