MLAKI ang pasasalamat at proud na proud ang four-time World Slasher champion at sabong legend na si Rey ‘Tata Rey’ Briones na naging parte siya ng Pitmaster na pinamumunuan ng totoong idol ng mga sabungero na si Charlie ‘Atong’Ang o mas kilala sa tawag na ‘Boss AA’ sa cocking circle.
Ayon sa multi-titled derby champion, hindi lamang kapwa niya mga sabungero ang natutulungan ng Pitmaster Group, sa pamamagitan ng foundation nito, kundi naghahatid din ito ng tulong sa mga geographically isolated na lugar at mga nasalanta ng kalamidad.
Iba-iba ang naging impresyon at pananaw ng iba nating kapwa sabungero hinggil sa “online sabong” kung saan marami ang natuwa dahil tuloy-tuloy pa rin ang sabong sa kabila ng pandemya, habang ang ilan naman sa kanila ay hindi sang-ayon dito dahil pinapatay umano ang tradisyunal na sabong at kawawa rin umano ang mga maliliit na magmamanok dahil hindi basta-basta makakasali sa mga bigtime na labanan katulad ng Pitmaster at tanging mga nasa likod lamang nito ang nagpapayaman nang husto.
Pero hindi po ganoon ang nangyari dahil sa totoo lang ay hindi lang pansarili ang ginagawang ito ni Boss AA dahil sa online sabong ay nananatiling buhay ang industriya ng sabong. Kung walang sabong, marahil maraming breeder ang magsasara na at hindi na mapagpapatuloy sa pagmamanok kung saan maraming farm workers ang mawawalan ng trabaho.
“Ang unang perception na nagka-pandemic, lahat ng mga sabungan sarado, so pumasok tayo sa mga quarantine protocols, etc. ‘Yung iba nag-laylo, ‘yung iba nagsara na farm, pero ang katotohanan po niyan few months after lalong sumigla nung nagkaroon ng online sabong,” sabi ni Tata Rey sa naging panayam ni Ka Rex Cayanong sa programang “Sabong On Air” sa DZME.
“Meaning safe ka sa loob ng bahay mo, tapos sobrang naglilibang ka kasi boring ka sa pandemic, ‘di ka makalabas ng bahay. Parang natutunan ng tao na isa sa past time nila ang online sabong,” dagdag pa ni Tata Rey.
At dahil halos araw-araw may sabong sa Pitmaster, laging nakakapagbenta ng kanilang mga manok maski ‘yung mga maliliit na breeder.
“Ang totoo niyan ang mga maliliit na magmamanok noon dati nagbebenta lang sila ng manok nila P2,000 or P3,000, ngayon tumaas na hindi ka na makakabili ng P5,000. Tumaas ang presyo at saka ‘yung requirement dumami,” ani Tata Rey.
“May mga nag-a-attempt pa rin na gumaya sa kanya [Atong Ang] pero parang pinupustahan natin dito sino ‘yung nagpapasabong, nagpapa-online na ang intensiyon ay hindi lang pansarili kundi ‘yung nakakatulong sa bayan, lalo na sa mga maliliit na magmamanok,” dagdag pa niya.
Ayon kay Tata Rey, unang nakinabang sa online sabong ‘yung mga backyard breeders.
“Dati ‘’yung mga likod-bahay na breeder, walang pumapansin niyan. Pero nung nauso ‘yung online unang nakinabang ‘yung mga backyard breeders, na kung tawagin ko actually mga marginal breeders,” sabi pa ni Tata Rey.
“Hindi lang nila nakikita ‘yan noon, pero ngayon klaro na ‘yan dahil legal ang online sabong, nagbubuwis sa gobyerno, kumikita ang marami,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Tata Rey na halos lahat ng kinikita ng Pitmaster ay ibinubuhos sa pagtulong sa pandemic.
“Halos lahat ata ng sulok ng bansa nabigyan ng Pitmaster ambulance, mga wheelchair, mga gamot, dialysis, lahat ng tulong. Hindi naman sa tayo nagsisipsip, pero nakikita naman natin ‘yung pagtulong na ‘yun na galing sa puso, hindi ibinubunganga,” aniya.
“Maski ‘yung mga liblib na lugar nabibigyan ng mga ambulansiya. Doon lumalaki ang puso ko na bahagi ako ng Pitmaster, na ganoon ang pagserbisyo,” dagdag pa ng sabong legend.
Bagaman nagbibigay ito sa kanya ng kasiyahan lalo na kapag nananalo at nagcha-champion, pero dapat din tingnan, aniya, sa kabuuan ang Pitmaster kung ano ba talaga ang misyon nito.
Bilang champion breeder, kilala si Tata Reysa kanyang signature lines na Spartans Black at Spartans Red—mga subok na linyada sa mabibigat na labanan.
Payo niya sa kapwa sabungero, lalo na sa mga baguhan, na mag-breed nang tama at higit sa lahat huwag magpakalulong sa sugal.
“Ang masasabi ko lang sa mga kaibigan nating nagsasabong, mag-breeding kayo at ‘wag kayo magsugal. Mag-umpisa sa tama—tamang bloodline, tamang lugar saka tamang tao na mag-aasikaso ng inyong mga manok,” pagtatapos niya.