PITONG BUWANG BUNTIS NAGBIGTI

bigti

KALIBO CITY – INIIMBESTIGAHAN ng awtoridad ang isang pitong buwang buntis matapos matagpuang patay sa isla ng Boracay.
Kinilala ang babae na si Jinky Tana, 23-anyos, at residente ng Brgy. Manocmanoc.
Sa salaysay ng live-in partner nito na si Sherwin Bantang, natagpuan niyang nakabigti sa nakasabit na lubid ang kanyang kasintahan sa kanilang tinitirhang bahay.
Aniya, isinugod pa raw niya sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital ang pitong buwang buntis pero idi-neklarang dead on arrival.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita umano mula sa crime scene ang isang suicide note na tila mula kay Tana.
Gayunpaman, ina­alam naman ng awtoridad kung may naganap na foul play sa naturang insidente.

2 thoughts on “PITONG BUWANG BUNTIS NAGBIGTI”

Comments are closed.