PIYESTA PUWEDENG “SUPER SPREADER” NG VIRUS-PNP

CAMP CRAME- INUTUSAN ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar ang kaniyang tauhan na imbestigahan ang pagdaraos ng piyesta sa Baclaran kung saan hindi umano nasunod ang mga health protocols.

Ayon kay Eleazar, aalamin kung may naging pagkukulang ang mga pulis at maging ang mga tauhan ng barangay sa pagpapatupad ng physical distancing at pagbabawal sa mass gathering.

Babala ni Eleazar, kung makitang may kapabayaan ang mga pulis na nakakasakop sa lugar, mananagot ang mga ito.

Inatasan ni Eleazar ang District Director na sibakin agad sa pwesto ang mga chief of police na hindi maipatupad ng maayos ang mga Health protocols sa kanilang nasasakupan.

Una na ring ipinagutos ni Eleazar sa mga pulis na istriktong bantayan ang mga pagdiriwang sa kani-kanilang mga lugar ngayong panahon ng kapistahan.

Ayon sa PNP Chief, maaring maging “super spreader events” ang mga piyesta sa pagkakalat ng COVID-19. EC

3 thoughts on “PIYESTA PUWEDENG “SUPER SPREADER” NG VIRUS-PNP”

Comments are closed.