PIYESTA SA WAGYU, SUSHI (Sa pagdiriwang ng 85-kaarawan ng Kabunyian Emperador Akihito)

sushi

MISTULANG piyesta at bumaha ng wagyu at sushi sa bonggang pagdiriwang ng ika-85  kaarawan ni Majesty Emperor Akihito kamakailan sa ShangriLa Hotel sa Makati City.

May 29 booths na inilagay ang Japan Embassy na nagtatampok hindi lamang ng mga pagkaing tulad ng  wagyu, sushi, noodles at iba pa, kundi nagtatampok din ng mga  bago nilang produkto katulad ng sports drink ng Ajinomoto, ANA Airlines, Lexus.

Itinuturing  na napakahalagang okasyon para sa mga Hapones  ang kapanganakan ng kanyang Kabunyian Emperador Akihito na ipi­nagdiriwang ng buong mundo sa pagsisimula pa lamang ng Disyembre.

Disyembre 23 ang aktuwal na kapanganakan  ni Emperor Akihito, subalit  maaga itong ipinagdiriwang  ng mga Hapones sa buong mundo  bilang pagbati  sa pinakarespetado at pinakamamahal  na emperador sa Japan.

Dumalo sa pagtitipon sa Makati City sina Finance Secretary Carlos Dominguez III, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget and Management Secretary Benjamin Diokno, Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose Ma Concepcion, Senador  Franklin Drilon, at Undersecretary of Foreign Affairs Hon. Ernesto Abella, at marami pang iba.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni  Ambassador Haneda na ang Filipinas ay ang kanyang  “home away from home”  bilang diplo-mat na nagsimulang manilbihan sa Manila   early 1980s.

Binigyang diin nito ang matibay na pagsuporta ng Japan sa  programang Build Build Build ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang first-ever subway sa bansa at  ang commuter railway projects sa  Metro Manila.

Binanggit din nito ang  pag­lulunsad ng  Consulate General of Japan sa  Davao  nitong Enero  2019  na lalong nagpatibay sa  relasyon ng dalawang bansa. SUSAN CAMBRI

Comments are closed.