PIZZA CHAIN MAGBUBUKAS NG 20 PANG SANGAY NGAYONG TAON

SHAKEY S

INIHAYAG ng sikat na pizza chain, ang Shakey’s Pizza Ventures Asia Inc. kamakailan na plano nilang magbukas ng 20 pang tindahan ngayon taon, kaparehong bilang noong 2018, para matugunan ang demand sa mga siyudad sa labas ng Maynila.

Nangangahulugan ito na aabot na sa 248 tindahan sa local network, ayon sa operator ng Shakey’s restaurants sa kanilang disclosure sa stock exchange.

Nasa  80 porsiyento ang mga bagong tindahan na nagbukas noong nakaraang taon sa labas ng National Capital Region. Nasa 75 porsiyento nito ay nakaprangkisa, ayon pa sa report.

“We are focused on expanding outside Metro Manila where we see great potential in terms of demand for the premium yet affordable dining experience we provide,” sabi ni Shakey’s president at CEO Vicente Gregorio.

“Ang paggastos ng mga konsyumer na siyang nagpapaalab ng ekonomiya ng Filipinas ay siyang naging dahilan para magbukas pa ang kompanya ng marami pang tindahan,” ani pa niya.

Comments are closed.