PINAIIMBESTIGAHAN ng Senado ang nangyaring plane crash sa Patikul, Sulu.
Gayunman, Ipinaabot ng mga senador ang kanilang pakikidalamhati sa pagkamatay ng mga sundalo sa naganap na pagbagsak ng eroplano na kung saan umabot na sa 50 katao ang nasawi.
Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, dapat na maimbestigahan ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano at gumawa ng paraan upang maiwasan na maulit ang nasabing trahedya.
Banggit pa ni Pangilinan, sinusuong ng mga sundalo ang kanilang buhay para sa kapakanan ng bansa
“Talaga namang nakakapanlumo ang insidenteng ito sa mga Pilipinong sundalong sinusuong ang frontlines para magampanan ang kanilang tungkuling ipagtanggol at paglingkuran ang kanilang kapwa.” ani Pangilinan.
Iginiit ng senador na dapat lamang na magkaroon ng mas maayos na kagamitan at hardware para mapanatiling ligtas ang paglipad ng mga sundalo.
Ipinaabot din ni Pangilinan ang kanyang pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga sundalong namatay sa plane crash.
Ipinaabot din ni Sen. Risa Hontiveros ang kanyang pakikidalmhati sa mga naiwang pamilya ng mga biktima ng C130H plane crash.
“I extend my sincerest condolences to the bereaved families of the victims of the C130H plane crash in Sulu. Our hearts and prayers are with them during this difficult time.”
“Kasama ko ang sambayanang Pilipino sa pagsaludo sa kanilang alaala. Their sacrifice and bravery to secure our freedom will never be forgotten,” ayon sa senadora.
Dapat din aniyang tiyakin na ang lahat ng mga benipisyo ay maibibigay sa mga naiwang pamilya.
LIZA SORIANO
Comments are closed.