NAITALA ni Filipino fighter Mike Plania ang pinakamalaking panalo sa kanyang career matapos ang upset victory laban kay Joshua Greer Jr. kahapon sa pagbabalik ng boxing sa Las Vegas.
Maagang nanalasa si ‘Magic Mike’ kung saan pinabagsak niya ang American sa first round sa pamamagitan ng solid left hook sa jaw.
Muli niyang pinahalik sa lona si Greer sa middle rounds sa pamamagitan ng isa pang left hand tungo sa panalo sa pamamagitan ng majority decision.
“This is gonna change my life,” wika ni Plania sa post-fight interview.
Sa panalo, si Plania ay umangat sa 24-1 laban sa isa sa top contenders sa WBO bantamweight category.
Comments are closed.