DUMATING na si “Magic” Mike Plania ng General Santos City sa Las Vegas, Nevada para sa kanyang napakahalagang laban kontra American Joshua Greer Jr. sa MGM Grand, Garden Arena sa June 16 sa isang closed-door fight.
Si Plania (23-1, 12 KOs) ang magiging unang Filipino na sasabak sa isang sporting event magmula nang ipatupad ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) lockdown.
Dumating siya kasama si trainer Moro Fernandez ng Miami.
Sinamahan sila nina assistants Ramon Falgui at Franco Chocano.
Ang 23-year-old na si Plania ay galing sa eight-fight winning streak. Sa kanyang huling laban ay tinalo niya si Giovanni Gutierrez ng Nica-ragua noong nakaraang Disyembre sa Miami.
Si Greer (22-1-1, 12 KOs) ang kasalukuyang WBO no. 1 at WBC no. 7 contender. PNA
Comments are closed.