PLANO NI DU30 SA PANDEMYA ILALAHAD SA SONA

INAASAHAN  ng mga senador na ilalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang kanyang mga plano kaugnay sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senate majority leader Juan Miguel Zubiri, ang pinakagusto ng taumbayan na marinig ay ang mga balak gawin ng Pangulo para malagpasan ng bansa ang pandemya, mapatatag ang ekonomiya at makaahon ang mga kapus palad sa natitirang labing 12 buwan ng Duterte administration.

Siniguro naman ni Zubiri na handa ang Senado na kumilos kung may batas na gustong ipagawa ang Pangulo para sa pandemya.

Para naman kay Senador Joel Villanueva, bukod sa plano at direksiyon para sa pagbangon ng ekonomiya ay mahalaga rin na marinig ang plano ng gobyerno para makontrol ang COVID-19.

Gayundin ang pagpapalakas sa health care system at pagkalinga sa health care workers sa pamamagitan ng sahod at allowance sa tamang oras.

Bilang ambag naman sa pagharap ng pandemya at sa pangunguna rito ng Pangulo, sinabi ni Villanueva na isusulong nila sa Senado ang pagtatatag ng virology institute para makapag-produce ang bansa ng sariling bakuna.

Hanggang hindi umano nakagagawa ng sariling bakuna ang bansa ay lagi na itong nakaasa sa mga vaccine manufacturer. LIZA SORIANO

97 thoughts on “PLANO NI DU30 SA PANDEMYA ILALAHAD SA SONA”

Comments are closed.