PLANO NI PBBM SA LABOR SECTOR AABANGAN SA SONA

NAIS  mapakinggan ni Sen. Joel Villanueva sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang plano nito para sa labor sector.

Nais ng senador na marinig mula kay PBBM ang partikular na mga naisin nito na magbibigay ng tiyak na kabuhayan at kita sa mga manggagawa.

Dagdag pa ni Villanueva, importanteng malaman ng mga Pilipino ang pananaw ng Punong Ehekutibo bilang parte ng international community.

Sa kabila nito., umaasa naman si Sen. Chiz Escudero na tatalakayin ni PBBM ang tunay na kalagayan ng bansa sa unang SONA nito at ipaalam sa Kongreso ang kanyang legislative agenda sa susunod na taon.
LIZA SORIANO