PLANO nang marami sa atin ang mamasyal ngayong holiday. Karamihan nga naman ng mga empleyado ay walang pasok, kaya’t tiyak na planadong-planado na ang gagawing pagliliwaliw o pamamasyal.
Sinusulit nga naman ng ilan sa atin ang panahon lalo pa’t abalang-abala sa pagtatrabaho. Kaya naman, karamihan, kahit na malayo pa ang holiday ay nakaplano na ang mga gagawin at pupuntahang lugar.
Kung minsan, sa sobrang excited ay nakaliligtaan na nating alalahanin ang ating balat. Kung minsan ay nakalilimutan nating magdala ng lotion. At para hindi mawaglit sa isipan ang ilang mga kailangang tandaan para mapanatiling glowing ang skin habang namamasyal ngayong holiday season, narito ang ilang tips:
TUBIG… TUBIG…TUBIG…
Sa kahit na anong panahon, kakampi natin ang tubig. Kailangang-kailangan ito ng ating katawan. At da-hil diyan, huwag na huwag kaliligtaan ang pag-inom ng tubig gaano ka man ka-busy sa pagsasaya o pa-mamasyal.
Malaki rin ang maitutulong nang pagdadala ng tubig nang mauhaw man kayo ay mayroon kaagad na maiinom.
Importante rin ang tubig para maging glowing ang skin.
PROTEKTAHAN ANG BALAT
Kung minsan sa kawilihan nating maglagalag, nakaliligtaan na nating maglagay ng lotion, cream o sun-screen. Minsan ay umaalis tayo ng bahay na wala ring dalang lotion. May mga lugar tayong pinupun-tahan na malamig na nagiging dahilan kaya’t nagda-dry ang ating balat. At kung wala kang lotion o kung anumang cream na dala, magtitiis kang dry ang balat mo.
Para maiwasan ito, ugaliing magdala ng lotion kahit na maliit lang sa bag nang kailanganin man, hindi ka na maghahagilap sapagkat may magagamit ka na.
SIGURADUHING KOMPLETO ANG LAMAN NG BEAUTY BAG
Sa tuwing umaalis nga naman ang mga kababaihan, ang dami-daming dala-dala. Hindi na nga malaman kung paano pagka-kasyahin ang mga gamit sa bag.
Pero kahit pa sabi-hing maraming dala-dalang kung ano-ano ang mga kababaihan kapag umaalis at tila susuka o sasabog na ang bag sa rami ng laman, may nakaliligtaan pa rin tayong dalhin.
Kaya naman, i-check palagi ang bag lalo na kung magliliwaliw. Huwag na ring dalhin ang mga hindi na-man kakailanganin sa pamamasyal. Siguraduhing kompleto o magagamit ang lahat ng laman ng bag at hindi lamang pampabigat.
Ilan sa mga kaila-ngang nasa bag ay ang moisturizer, sunscreen, wet wipes, alcohol at first aid kit.
MAGLAAN NG PANAHONG MAKAPAGPAHINGA
Ngayong holiday, iwasan din siyempre natin ang magpuyat. Hindi porke’t panahon ng pagsasaya ay sasagarin mo na ang iyong sarili. Importante rin si-yempreng nakababawi ang ating katawan.
Kaya kung magta-travel ka man—sa loob man o labas ng bansa, siguraduhing nakapagpapahinga ka. O kaya naman, umidlip habang nasa biyahe.
Halimbawa nakasakay ka ng eroplano, puwede kang magpahinga at umidlip na muna. Hindi naman kailangang gising ka sa buong biyahe. Unang-una, wala ka rin namang gagawin kundi ang umupo lang. Kaysa mabagot, umidlip. Sa pamamagitan nito ay mababawi mo pa ang lakas mo at hindi ka pipikit-pikit o lalambot-lambot pagdating mo sa lugar na iyong pupuntahan.
GAWING BEST FRIEND ANG BLOTTING PAPER
Marami sa atin ang may oily skin. At para naman hindi mangintab ng wala sa oras ang ating mukha, uga-liin ang paglalagay ng blotting paper sa bag. Hindi sapat ang paggamit ng tissue paper para maibsan ang pagiging oily ng skin. Nakapagpapapula ng mukha ang paulit-ulit na pagpupunas ng tissue paper.
Kaya para maiwasang ma-accumulate ang dumi at oil sa balat, magdala o gawing best friend ang blot-ting paper lalo na kung oily ang iyong skin.
MAGING MAPILI SA KAKAININ
Isa sa problema ng marami ang hindi mapigil ang sarili sa pagkain. Dahil holiday, okey lang. Dahil party naman, puwede na-mang kumain. Minsan nga lang naman.
Pero puwede naman nating pagbigyan ang ating sariling kumain ng marami. Iyon nga lang ay dapat na maging mapili tayo sa ating kakainin at hindi kung ano-ano lang.
Maraming simpleng tips na maaari nating gawin para mapanatiling glowing ang skin sa kabila ng kaliwa’t kanang galaan. Kaya naman, isaalang-alang ang mga nakalista sa itaas. CS SALUD
Comments are closed.