PASAY CITY – IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na hintayin muna ang resulta ng imbestigasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagdadawit kay PNP Chief Oscar Albayalde sa isyu ng drug recycling ng mga tinaguriang ninja cops.
Anang senador, dapat ding maging patas sa mga akusado dahil lalabas naman ang katotohanan at kung walang kasalanan ang mga akusado ay dapat ding malinis ang pangalan ng mga ito.
Ayon kay Go, hindi din kasi patas kung basta magsisibak ng PNP chief si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Go, kailangan mayroong matibay na ebidensya sa mga alegasyon upang maisilbi ang tunay na hustisya.
Binigyang diin nito, bilang miyembro ng komite ay gusto rin niyang lumabas ang katotohanan sa isyu upang hindi naman madamay ang mga matitinong pulis sa mga nasasangkot sa katiwalian.
Gayunpaman, tiniyak ni Go ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis basta may kaugnayan sa pagtugon nila sa kanilang tungkulin sa bayan. VICKY CERVALES
Comments are closed.