(Planong palawigin)VISA-FREE ENTRY SA MGA PINOY SA TAIWAN

TAIWAN VISA FREE

TARGET ng Taiwan na palawigin ang visa-free entry sa mga Pinoy para makaakit ng mas maraming turista, ayon kay Representative of the Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines Peiyung Hsu.

Binisita ni Hsu ang booth ng Taiwan Tourism Bureau sa pagbubukas ng 2023 travel and tour expo na inorganisa ng Philippine Travel Agencies Association (PTTA).

Magmula nang alisin ang lahat ng entry restrictions noong nakaraang October at magbigay ng Filipino tourists visa-free access, ang bilang ng arrivals sa Taiwan ay tumaas at umabot sa 29,831 noong 2022, tumaas ng mahigit 200 percent mula sa 9,183 visitors noong 2021.

Puntirya ng Taiwan na makaakit ng hindi bababa sa 200,000 Filipino tourists sa Taiwan, gayundin ng 200,000 Taiwanese tourists sa Pilipinas.

“For our tourists, if you stay in Taiwan in 4 days, 3 nights, I think you can travel in several places. So we are ready to receive tourists from the Philippines,” ani Hsu.

“We belong to the visa-free program for Filipino nationals. It will last until July 31 this year, but I can assure you we are going to extend it up to next year. It will be extended every year because we believe people to people connectivity is so important. We would like to see more Taiwanese coming to the Philippines and more Filipinos travelling to Taiwan,” dagdag pa niya.