SOUTH COTABATO – Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may namo-monitor silang mga planong pagpapasabog ng mga terorista para guluhin ang gaganaping plebesito sa ilang lugar sa Mindanao.
Aniya layunin ng mga grupong ito na takutin ang mga tao para hindi matuloy ang plebesito.
Pero nakabantay at nakaalerto aniya ang tropa ng militar at hanay ng pulis para mapigilan ang mga planong Improvised explo-sive device o IED attack.
Hiling ni Lorenzana sa mga taga-Mindanao magkaroon ng respeto sa isa’t isa at huwag magtakutan.
Wala namang problema kay Lorenzana kung magde-deploy ng military tanks sa mga voting precint para sa plebesito.
Sinabi ng Kalihim mas matatakot ang mga nagpa-planong maghasik ng gulo kung mayroong mga sundalo pulis at tangke ng militar sa mga voting precinct. REA SARMIENTO
Comments are closed.