PLANONG VACCINE INSTITUTE NI DUTERTE SUPORTADO NI BONG GO

SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ng vaccine institute upang magkaroon din ng kakayahan ang bansa na makagawa ng sariling bakuna sakali mang magkaroon muli ng pandemya sa hinaharap.

“Suportado ko po ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng vaccine institute sa Pilipinas na magbibigay ng kakayahan sa ating bansa na mag-develop at mag-produce ng sarili na­ting mga bakuna, hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa mga susunod pang pandemya,” ayon kay Go.

Aniya,mas mabuting maging handa at kung may sariling manufacturing ng bakuna ang bansa ay may kapasidad at hindi na tayo maiipit.

Noong Martes, sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong magkaroon ang Filipinas ng sariling vaccine institute upang maging legacy niya sa mga Pinoy bago matapos ang termino nito sa 2022 kasabay ng pag-atas sa Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng pondo para rito.

Sinuportahan din ni Science and Techno­logy Secretary Fortunato dela Peña ang panukala ng Pangulo at sinabing isusulong nila ang pagtatatag ng Virology Science & Technology Institute of the Philippines (VIP) na ang pangunahing responsibilidad ay bumuo ng mga bakuna.

Sinabi naman ni Go na napakalaki ng potensiyal ng bansa na makapag-produce ng sariling mga gamot at bakuna hindi lamang laban sa COVID-19 kundi laban sa iba’t ibang karamdaman.

“Napakalaki po ng potensyal ng ating bansa na mag-produce ng sarili nating mga gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit. Napapanahon na po upang pag-aralan natin kung papaano tayo magiging self-reliant pagdating sa aspetong ito,” aniya.

Hiniling din nito sa DOST, sa tulong ng health experts, local pharmaceutical companies, pribadong sektor gayundin din ang mga mula sa academe na makipag-ugnayan sa mga international vaccine producer upang makapagsimula na kaagad ang pamahalaan nang paggawa ng kinakailangang COVID-19 vaccines.

“This initiative will not only boost our local vaccine supply, but can also help increase production of vaccines in the world market,” ani Go.

Sa kabila naman nang mga hamong kinakaharap ng pamahalaan sa pagbili ng COVID-19 vaccines, muli ring tiniyak ni Go na walang pagkaantala na magaganap sa vaccine rollout dahil ang mga awtoridad ay tumatalima lamang sa mga kinakaila­ngang proseso at napagkasunduang schedule sa kanilang mga international partners. PMRT

2 thoughts on “PLANONG VACCINE INSTITUTE NI DUTERTE SUPORTADO NI BONG GO”

  1. 477874 75121Hey. Neat post. There is a dilemma along with your internet site in firefox, and you could want to check this The browser could be the market chief and a large component of other folks will omit your exceptional writing because of this issue. 486592

Comments are closed.