PLANT PLANT PLANT PROGRAM BUBUHUSAN NG PONDO NI DUTERTE

DUTERTE41

PLANT plant plant program. Ito naman ang ikinakasa ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nala­labing panahon ng kanyang termino.

Ayon sa Pangulo, bubuhusan niya ng sapat na pondo ang agrikultura upang matagumpay na maisagawa ang nabanggit na programa bilang ayuda sa hinahangad na magkaroon ng sapat at abot kayang pagkain ang bawat mamamayang Filipino.

Tiwala  ang Pangulo  na ang  P66 bilyong agricultural stimulus package ay malaki ang naiaambag sa agricultural at fisheries sector upang makabangon.

“We aim to provide adequate, accessible and affordable food for every Filipino [family] through the Plant, Plant, Plant Program. After the Build, Build, Build, I think this is easier to achieve. A few good men — a few good regional directors, DAR and the dedicated workers down below could make this thing a success,” wika ng Pangulo.

Naniniwala ang Chief Executive na mas madaling maabot ang Plant Plant Plant program kaysa sa Build Build Build program na ipinapatupad ng gob­yerno.

“Mas madali ito kaysa sa Build Build Build. Ito Plant Plant Plant lang eh. It’s more  of how you try to convince the farmers to cooperate with government for their benefit,” giit pa ng Pa­ngulo.

“The growth of our economy depends on a robust agricultural sector” dagdag pa ng Pa­ngulo.

“We must utilize the (coco levy funds) for the welfare our coconut farmers and the development of our coconut industry. I urge everybody — both of the Executive Department pati ito — that ito ‘yung pera na nakuha doon sa na-sequester. And itong perang malaking ito, gagamitin ito for the welfare of the farmers,” wika pa ng Pangulo.

Kaugnay nito ay mu­ling umapela ang Pangulo  sa Senado at Kamara na maisabatas ang proposed bill na nagtatatag ng Coconut Farmers’ Trust Fund gayundin ang  Rural Agricultural and Fisheries Development Financing System Act.      EVELYN QUIROZ

Comments are closed.