BATANGAS – PATULOY ang imbestigasyon sa naganap na malaking sunog sa planta ng Hi-P Philippines Technology Corporation na nasa loob ng First Philippine Industrial Park sa Tanauan City kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), naapula ang apoy dakong alas-9:00 ng umaga.
Dahil sa insidente, hindi na muna pinapasok ang mga trabahante ng pasilidad habang inaalam kung gaano kalawak ang naabot ng apoy.
Halos nasa limang oras din nagliyab ang bahagi ng pasilidad.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang natupok. EUNICE CELARIO