PLASTIC BAN IPATUPAD AGAD

PLASTIC BAN

AGARANG  pagpapatupad ng  plastic ban  ang nais ni Senador Cynthia Villar bunga ng pag-aaral na ang Filipinas ang isa sa pinaka-malaking producer ng plastic wastes na napupunta sa karagatan.

Ito ay makaraang ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nationwide ban sa paggamit ng plastic.

“With the President taking the lead in this campaign, I am confident we will be making a significant headway and finally remove us from that disconcerting title as one of the world’s largest producers of plastic wastes,” ani Villar, chairman ng Committee on Environment and Natural Resources.

Base sa 2015 report ng international group Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment tungkol sa plastic pollution, pangatlo ang Filipinas sa pinakamalaking source ng  plastic sa mga karagatan, kasunod ng China at Indonesia.

Nagbabala rin ang United Nations Food and Agriculture Organization na kapag hindi natugunan ang suliranin sa plastic pollution sa 2050, higit na magiging ma­rami ang mga plastic sa karagatan kaysa sa isda.

“The fish will eat all the plastic and they will all die and our ocean will become virtual desert,” ayon kay Villar.

Inakda ni Villar ang Senate Bill No. 333 o ang Single-Use Plastic Product Regulation Act of 2019, na naglalayong  i-regulate ang manufacturing, importation, at single-use ng plastic products.

Binigyan-diin din ng Nacionalista Party Senator na lalong lalala ang suliranin sa plastic waste  sa pagbili ng mga produkto na nasa sachets.

“Hindi naman natin masisi ang mga tao kung ang kaya lang bilhin ay yung sapat para sa ilang araw lang na gamitan. But we must put pressure on the corporations that produce these products to come up with a program to recycle these wastes and minimize impact on the environment,” sabi pa ni Villar.

Sa ilalim ng  panukala, ipagbabawal ang  single-use plastics ng food establishments, stores, marketsat retailers.

Aatasan din ang consumers na gumamit ng reusable materials at ang manufacturers n mangolekta at mag-recycle at itapon ang single-use plastics. Hindi na rin papayagan ang importas­yon ng single-use plastics.

Sa bawat single-use plastics na ginawa, ipinakalat at ginamit sa transaction, papatawan ng retailers ang consumer ng minimum levy na P5.

“Violation for business enterprises, micro, small and medium enterprises will have penalties ranging from a fine of P10,000 to 100,000 and suspension or revocation of business permit,” dagdag pa ni Villar.

Para sa VAT-registered enterprises, establishments, at tindahan, at sa lahat ng plastic manufacturers na lalabag sa batas na ito, pagmumultahin sila ng P100,000 hanggang P1 million at suspensyon  o pagkansela sa business permit.

Sa ilalim ng panukala, magkakaroon din ng Special Fund for Single-use Plastic Regulation na binubuo ng collected tariffs, levies at fees.

Gagamitn ang pondo sa pagtatayo ng recycling centers, assistance at incentives sa manufacturers at community-based initiatives sa pagbawas sa single-use plastics, pati na rin sa  non-government at civil society organizations na nagsusulong sa proper solid waste management. VICKY CERVALES