PLASTIC BAN SA BAYAN NG PANGASINAN SIMULA SA MARSO 1

PLASTIC BAN-1

MAGSISIMULA nang magpatupad ang bayan ng Bani sa Pangasinan sa pagba-ban ng single-use plastic simula sa Marso 1.

Ang implementasyon ng selective plastic ban ay ayon sa Municipal Ordinance No. 05 series ng 2018 na nagbabawal, nagre-regulate,  nagpapagamit ng ilang klase ng plastic para sa mga binibiling gamit at mga pagkain na nagiging basura, at nagtataguyod sa paggamit ng eco-bags at ibang environmental friendly practices bilang alternatibo.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ng information officer na si Krissy Jesy Pison na sakop ng ordinansa ang lahat ng tao, at mga establisimiyento ng negosyo sa bayan.

Pahayag ni Pison na may multa at kabayaran  na P100 sa unang paglabag,  P300 sa pangalawang paglabag, at P500; at pagkaku-long ng isang buwan depende sa diskresyon ng korte ang ipatutupad sa individual violators.

Ang mga establisimiyento naman na lalabag sa ordinansa ay papatawan ng P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa pangalawang paglabag, at P2,500 at kanselasyon ng business permit para sa ikatlong paglabag, dagdag niya.

Ang ordinansa ay ipinasa noong 2018 pero hindi pa handa ang bayan para sa buong pagpapatupad noong panahon na iyon.

“But now, there is the immediate need to reduce wastes in the town, especially plastics,” dagdag niya.

Hinimok na ng gobyerno ng ba­yan ang paggamit ng reusable o eco-bags.

“We are tapping organizations, mostly farmers’ organizations, to make ‘bayong’ (bags made of coconut leaves) and other alter-natives to plastic,” sabi ni Pison.

Dagdag pa niya na ang ilan sa mga organisasyon ng mga magsasaka ay  recipients ng Department of Social Welfare and Devel-opment’s Sustainable Livelihood Program.

“We plan to have them trained so there would be more their members who will make ‘bayong’ or other alternatives to plastic,” aniya.    PNA

Comments are closed.