MAGHAHAIN ng panukala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Inter-Agency Task Force (IATF) para tuluyang tanggalin ang plastic covers at barriers sa loob ng mga establisimyento.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, parte ito ng ipapatupad na Covid-19 protocols sa oras na ibaba na ang Metro Manila sa alert level 1.
Ang plastic barriers ang nagpoprotekta sa mga tao upang maiwasan ang pagkahawa sa Covid-19 kasabay ng pagsunod sa minimum health protocols. DWIZ882