NAG-IIMBITA sa publiko ang isang maliit na tindahan sa panulukan ng Burgos Central Elementary School (BCES) sa Poblacion village, Burgos, Ilocos Norte na ipagpalit ang kanilang mga ibabasura o itatapong plastic para sa mga magagamit pang bagay tulad ng school supplies at grocery items.
Tinawag na “Basura Exchange School Tiangge” o BEST, inilunsad ang programa kamakailan sa school compound para maturuan ang mga batang mag-aaral tungkol sa waste management at tulungan sila bilang responsableng tagapag-alaga ng kalikasan.
“For every collected plastic waste, there is a corresponding point. The more points mean more items to collect,” sabi ni Poblacion village chief Joegie Jimenez na nakipag-partner sa BCES, Energy Development Corp., Burgos local government unit, at ibang mga interesado sa proyekto.
Bukas mula 10 a.m. hanggang 11:30 a.m. at mula 4:15 p.m. hanggang 5:15 p.m. Lunes hanggang Biyernes tumatanggap ang BEST ng malinis na plastic waste items lamang.
Para sa inang tulad ni Haydee Gaspar, na dumaan sa kakaibang tindahan, sinabi niya na ang proyekto ay “very laudable” dahil nakakakuha siya ng school supplies para sa kanyang anak habang kasabay nito ay nakakapagtanggal siya ng polusyon ng plastic sa kanyang bahay.
“My son is excited to bring our plastic waste to school because it means he has more baon (food) when he earns more points,” sabi ni Gaspar.
Bilang bahagi ng waste diversion initiative ng barangay, sinabi ni Jimenez na pinili nila ang public school para ipakita ang kanilang zero waste man-agement program.
Ang mga nakolektang plastic ay gagawin nilang eco-bricks at decorasyon, habang ang iba ay ibinibenta sa junk shops, sabi ni Jimenez.
Ang kikitain naman ay gagamitin para bumili ng bagong items para mapalitan ang supply ng tindahan. PNA