PLASTIC, STYROFOAM BAWAL NA

CAVITE-IPAGBABAWAL na ang paggamit ng plastic at styrofoam bilang packaging sa mga dry goods sa municipalidad ng General Emilio Aguinaldo simula ngayong Nobyembre 6.

Base sa inaprobahang Municipal Ordinance No. 5-58 s. 2023, ang lahat ng establisimiyento sa nasabing bayan ay kinakailangang gumamit ng biodegradable na materyales tulad ng recycled materials, carton, eco bag, at paper pag bilang sisidlan ng mga dry goods.

Mahigpit din ipinagbabawal ang pag-aalok o pagbebenta ng mga plastic na gagamitin bilang pangalawag packaging material o pangunahing packaging para sa mga dry goods na paninda.

Gayundin ang pagbabawal na rin ang paggamit ng styrofoam bilang sisidlan ng mga pagkain, prutas, at gulay.

Ayon kay Mayor Dennis Glean, ang nasabing ordinansa ay kabilang sa pagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa nasabing bayan.

Sa masusing magsasaliksik, ang isang pirasong plastic ay umabot ng daang taon bago tuluyang masira kaya isinulong at inaprobahan ng Lokal na Pamahalaan ang pagsunod sa ordinansang ito ay maayos na ang kapaligiran para taumbayan. MB