MINDANAO- IPINAGBABAWAL na ang mga plastic kasabay ng paghihikayat ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC) sa publiko na iwasan na ang paggamit ng mga bottled water, pagkain na nakabalot sa plastik at iba pa dahil sa posibilidad na maaaring pagmulan ito ng sakit na cancer sa lalawigang ito.
Ayon kay Dr. Rutchell Simene, toxicologist ng NMMC, kapag napapalagi ang paggamit ng nakaplastik ay maaaring magdulot ng cancer dahil may taglay na endocrine disruptors at mga sangkap na bubuhay ng diabetes mellitus, vascular diseases, thyroid problems, cardiovascular problems, at cancer.
Ang NMMC ay isa sa 13 ospital na bumuo ng poison center sa bansa at nasuri nito na ang mga bottled water ay nagtataglay ng phthalates, PCPs, at bisphenol A na maaaring pagmulan ng sakit.
Hinihikayat din ng NMMC ang mga magsasaka na huwag gumamit ng organochlorines bilang pesticides na nakapagdudulot naman ng pagkalason sa pananim na mayroong heavy metals na mercury, arsenic, at cadmium na masama sa katawan. VICK TANES