SALTO sa ipinatutupad na ‘safety and health’ protocols ang isang miyembro ng Perlas Spikers, dahilan para ikansela ng or-ganizers ng Premier Volleyball League (PVL) ang lahat ng nakatakdang laro ng Perlas Spikers sa Open Conference.
Lumabas sa resulta ng RT-PCR test na positibo sa COVID-19 ang hindi na pinangalanang player ng Perlas. Bilang tugon sa posi-bleng hawaan, kaagad na inilagay sa isolation facilty ang naturang player at sa magkakahiwalay na quarantine room ang mga miyembro ng koponan. Sasailiam sila sa RT-PCR testing sa ikalimang araw mula nang huli silang kumuha ng RT-PCR test.
“Pending the results (of the tests), the scheduled games of Perlas have been postponed,” pahayag ni Ricky Palou, presidente ng organizing Sports Vision Management Group, Inc.
Nakatakda sanang sumabak ang Perlas Spikers sa opening day ng kauna-unahang professional volleyball league sa bansa nitong Sabado sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte, ngunit maagap ang pagtugon ng organizers batay na rin sa health protocols na aprubado ng joint Committee ng GAB/JAO (Games and Amusements Board/Joint Administrative Order) at PVL.
Sa kabilang ng pagiging ‘isolated case’, iginiit ng organizers at local government unit ng Ilocos ang pagpapatupad ng kina-kailangang programa para masiguro na ligtas ang iba pang atleta at personnel mula sa siyam na kalahok na koponan sa bubble setup ng liga.
Sa opening day, nagwagi ang Creamline, sa pangunguna ni star player Alyssa Valdez, laban sa Sta. Lucia Realtors, 25-18, 25-20, 25-27, 25-18, habang naungusan ng Chery Tiggo Crossovers ang PLDT, 25-20, 25-17, 25-6.
740996 545072fantastic . Thanks for informations . Ill be back. Thanks once more 779162
642170 629897I believe 1 of your ads triggered my internet browser to resize, you might want to put that on your blacklist. 145429
800507 66391building websites is not only fun, but it can also produce an income for yourself;; 112390