PLAYOFF BERTH NASILO NG NETS

nets vs raptors

SININDIHAN ni 10-day contract signee Mike James ang fourth-quarter rally, at nalusutan ng Brooklyn Nets ang off-scoring nights nina Kevin Durant at Kyrie Irving para maitakas ang 116-103 panalo kontra Toronto Raptors noong Martes sa Tampa, Fla.

Sa panalo, ang Nets ay naging unang Eastern Conference team na nakasungkit ng playoff berth

Pagkatapos ay naiposte ni Durant ang pitong sunod na puntos ng Nets makaraang tumipa ng 10 points lamang sa tatlong quarters, na nagsara sa pintuan ng Toronto para makabalik.

Si Durant ay isa sa pitong  Nets na umiskor ng  double-figures na may 17 points, at nagdagdag ng team-high 10 rebounds. Nanguna si Jeff Green para sa Brooklyn na may 22 points, nagdagdag si Joe Harris ng16 points, at tumapos si Landry Shamet na may 14 points.

BLAZERS 133,

PACERS 112

Kumana si Anfernee Simons ng 27 points sa 9-of-10 shooting mula sa 3-point range upang pangunahan ang Portland Trail Blazers sa 33-112 pagdispatsa sa Indiana Pacers.

Pinutol ng  Blazers (33-28) ang five-game losing streak kung saan pitong  players ang umiskor ng double figures, kabilang sina Damian Lillard (23 points) at  CJ McCollum (20).

Ang siyam na triples ay career high para kay Simons at ang scoring output ay second-highest ever para sa 2018 first-round pick ng Blazers.

Naputol ang three-game winning streak  ng Indiana (29-32) at nalasap ang ika-18 pagkabigo sa home ngayong season, na naggarantiya ng .500 o pin-akasamang record sa Bankers Life Fieldhouse. Pinutol nito ang 31 sunod na seasons na may winning home record para sa Pacers.

MAVERICKS 133,

WARRIORS 103

Na-outscore ni Luka Doncic si Stephen Curry sa unang pagkakataon sa limangcareer head-to-heads at rumatsada ang Dallas ng 28 sunod na puntos sa first at second quarters nang tambakan ng Mavericks ang Golden State Warriors 133-103.

Kumamada si Doncic ng game-high 39 points sa second half upang tulungan ang Mavericks (34-27) na manalo sa season series, 2-1, laban sa Warriors (31-31) at umangat ng 3 1/2 games sa kanilang duelo para sa playoff position sa Western Conference.

Ang pagkabigo ay ikatlong sunod ng Dallas sa two-year history ng Chase Center ng San Francisco. Tinalo ng Mavericks, na hindi pa natatalo sa center, ang Warriors ng 20 at 27 points noong nakaraang season.

Sa iba pang laro, ginulantang ng Oklahoma City Thunder ang Boston Celtics, 119-115, at pinabagsak ngMinnesota Timberwolves ang Houston Rockets, 114-107.

2 thoughts on “PLAYOFF BERTH NASILO NG NETS”

  1. 683853 451748Most heavy duty trailer hitches are created employing cutting edge computer aided models and fatigue stress testing to ensure optimal strength. Share new discoveries together with your child and keep your child safe by purchasing the correct style for your lifestyle by following the Perfect Stroller Buyers Guideline. 68443

Comments are closed.