PLDT PALABAN SA PVL ALL-FILIPINO CONFEREaNCE

PLDT HIGH SPEED HITTERS

SA presensiya ng tatlong dating MVPs, isang Filipino-Canadian scoring machine bilang sophomore, at pool ng maaasahang standouts bilang holdovers, asahan ang mas malakas na PLDT High Speed Hitters team sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Nakatutok ang lahat sa koponan na suportado ni PLDT Chairman Manuel V. Pangilinan sa pagharap nito sa 11 iba pang koponan, sa pagsisimula ng pinakamalaking aksiyon sa Philippine volleyball ngayong taon sa Pebrero 20.

Ang koponan ay pinangungunahan ng terrific trio nina Kianna Dy (UAAP Season 78 Finals MVP, 2021 PNVF Champions League MVP, at Best Opposite Hitter), Majoy Baron (UAAP Season 79 MVP, 2023 PVL Invitational Conference 1st Best Middle Blocker), at Kim Fajardo (3-time UAAP Best Setter, UAAP Beach Volleyball MVP).

Ang lahat ng tatlo ay bahagi ng national team at nakilala sa kanilang collegiate days sa De La Salle University Lady Spikers. Nagwagi sila ng tatlong UAAP gold medals, silver finishes at individual awards.

Makaraang tanghaling  top scorer ng PVL  sa kanyang rookie year noong nakaraang  conference, si Savannah Davison ay isang malaking banta sa court. Nag-ambag siya ng  202 points sa pamamagitan ng 173 attacks, 22 blocks, at 7 service aces sa pagtatapos ng eliminations.

Si Davison ay naglaro sa National Collegiate Athletic Association Division 1 at national competition levels sa US habang kinumpleto ang kanyang biochemistry degree sa New Mexico State University at MBA sa University of Oklahoma Gene Rainbolt Graduate School of Business.

Samantala, gaganap si three-time PVL Best Libero Kath Arado ng bagong papel bilang captain, at magmamando sa backcourt defense ng koponan sa kanyang precision at agility. Isa ring multi-awarded UAAP libero, pangungunahan niya ang llineup ng mga beterano at dating national team players, kabilang sina 2022 PVL Invitational Conference Best Middle Blockers Mika Reyes at Dell Palomata, at UAAP champions Rhea Dimaculangan at Jules Samonte. Erika Santos, Fiola Ceballos, Jessey de Leon, Jovelyn Prado, Rachel Austero, Iza Viray, at Far Eastern University standouts Kiesha Bedonia at Sheila Kiseo.

We are excited to see volleyball court action resume this February. As always, we are here to support the PLDT High Speed Hitters in this new season. We also hope to give a more exhilarating experience to the fans watching live on the sidelines of the games as they support this powerhouse team,” sabi ni  Jude Turcuato, Head of Sports at PLDT and Smart.

Pamumunuan nina PVL champion coaches Rald Ricafort at Arnold Laniog, kasama sina Manolo Refugia, Mike Santos, at  Ervin Peralta, ang coaching staff. Si Paolo Escaño ang mangangasiwa sa strength and conditioning ng koponan.