PLEBESITO PARA SA CHANGE NAME NG COMPOSTELA VALLEY UMARANGKADA

COMPOSTELA VALLEY

UMARANGKADA kahapon, Disyembre 7, ang plebesito o botohan para palitan ang pangalan ng Compostela Valley patungong Davao de Oro.

Alinsunod sa Republic Act No. 11297, idaraos ng Commission on Elections (Comelec) ang plebesito na magbabago sa pangalan ng probinsiya.

Lahat ng botante sa May 13, 2019 national and local elections sa 11 bayan ng Compostella Valley ay maaaring lumahok sa plebesito.

Mayroong 462,942 rehistradong botante sa probinsya para sa nagdaang halalan.

Nagsimula ang botohan alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nang magsara ang bo­tohan, agad na binilang ng Plebiscite Committee ang mga boto para malaman ang resulta. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.