INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na magtalaga ng mga sundalo at pulis sa gaganaping plebisito sa Compostela Valley sa Disyembre 7.
Kasunod ito ng paghingi ng tulong ng Comelec sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa plebisito sa pagpapalit ng pangalan ng Compostela Valley sa Davao De Oro.
Sa ilalim ng memorandum order number 42 na nilagdaan ni Excutive Secretary Salvador Medialdea para kay Pangulong Duterte, inaatasan nito ang AFP at PNP na makipag-ugnayan sa Comelec para sa kanilang magiging tungkulin sa darating na plebesito.
Kaugnay nito, ipinalabas ni Pangulong Duterte ang proclamation 865 na nagdedeklara ng special non-working holiday sa Compostela Valley sa Disyembre 7. DWIZ882
Comments are closed.