FORT DEL PILAR – MATUTULOY na sa Sabado, Pebrero 22, ang Philippine Military Academy Alumni Homecoming na taon-taon ginagawa.
Ito ang kinumpirma ni PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog matapos na maantala ang homecoming noong Pebrero 15 dahil ipinagbawal pansamantala ang mga bisita sa Fort Gregorio Del Pilar o sa PMA.
Ito ay dahil sa ginawang precautionary measure ng PMA para makaiwas ang mga kadete at PMA personnel sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero ayon kay Tindog, ang gagawing PMA Alumni Homecoming ay gagawin na lamang sa pribadong event kung saan tanging alumni at kanilang immediate families ang maaring dumalo.
Bawal aniya ang bisita o maging ang media na taon-taon ay sinasaksihan ang masayang homecoming ng PMA alumni sa Borromeo Field ng Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City.
Humingi naman ng paumanhin ang PMA sa naging desisyon nila ngayong taon. REA SARMIENTO